Linggo, Marso 10, 2013

Leptospirosis (Tagalog)



LEPTOSPIROSIS

Deskripsyon ng sakit

  • Isang biglaan at malubhang impeksyon na karaniwan ay naapektuhan ang atay sanhi ng isang parasito-ang LEPTOSPIRA.
  • Ang tao ay nagkakasakit kapag ito ay nakakain o nakainom ng pagkain na mayroong ihi ng hayop ng may leptospira.
  • Pumapasok ito sa balat ng tao lalo na kapag ang isang tao ay may sugat.
  • Ayon sa DOH, 300 katao ang namamatay dito kada taon.
  • Sa Pilipinas, ang karaniwang hayop na nagdadala ng parasitong ito ay ang daga.
  •  Komon sa panahon ng tag-ulan kung saan pwedeng kontaminado ng parasitong leptospira ang tubig baha.
                                     


                                                             LEPTOSPIRA



Ang Leptospirosis ay kilala rin sa tawag na:


  • Weil's syndrome
  • canicola fever
  • canefield fever
  • nanukayami fever
  • 7-day fever
  • Rat Catcher's Yellow
  • Fort Bragg fever
  • black jaundice
  • Pretibial fever


Mga Palatandaan o Sintomas

                                                                                     
  • Biglaang pagtaas ng lagnat (39-40 C) na may kasamang panginginig.
  • Pananakit lalo ng kalamnan lalo na sa binti.
  • Matinding sakit ng ulo
  • Pamumula ng mga mata




  • paglaki ng atay at pananakit ng tiyan
  • pagsusuka
  • paninilaw (jaundice) sa ikalimang araw
  • paglaki ng pali (spleen)
  • Maliit na mapulang paltos sa balat (blistering)
  • paninigas ng leeg
  • Mapula at kaunti ang ihi


Anu-ano ang mga yugto ng leptospirosis?



Unang yugto:
  • pagkakaroon ng lagnat
  • pananakit ng ulo at kalamnan
  • pagsusuka
  • pagtatae



Ikalawang yugto:
  • meningitis (pamamaga ng ugat sa paligit ng utak at spinal cord)
  • komplikasyon sa bato (kidney) at atay



Sinu-sino ang maaring magkaroon ng leptospirosis?

  • Kahit sino, bata man o matanda, lalaki man o babae.


Ilang araw ang maaaring itagal ng leptospirosis?

  • Tatagal ito ng ilang araw hanggang tatlong linggo o mas higit pa.
  • Maaaring magtagal ng ilang buwan kung hindi agad ipapagamot ang taong maysakit.



Dyagnosis/Pagkilala sa Leptospirosis

Ang dugo ay sinusuri para pangontra sa bakterya.
Iba pang pagsusuri ang maaaring gawin:
  • Kumpletong bilang ng dugo (CBC)
  • Creatine kinase
  • pasusuri sa enzymes ng atay
  • pasusuri sa ihi (urinalysis)



Paano ginagamot ang leptospirosis?


1. Sa pag-inom ng antibiotics tulad ng:

  • doxycyline
  • streptomycin
  • tetracyline
  • erythromycin
  • penicilin
     


 2. Iniiniksyong (injectable) antibiotics para sa mas malala ang kalagayan

  • Mas mabuting kumonsulta sa doktor o health worker bago magsagawa ng pansariling panggagamot.

Ano ang komplikasyon ng leptospirosis?

Kung may paninilaw, 15-100 na kaso ang namamatay dahil sa pagdudugo, o komplikasyon na kasama ang puso, utak at pantog.


Paano maiiwasan at masusugpo ang leptospirosis?

  • huwag lumangoy o lumusong sa baha at maruming tubig 
  • gumamit ng bota at guwantes kung hindi maiiwasan ang paglusong sa baha o maruming tubig
  • sugpuin ang mga daga sa bahay
  • hugasan ng tubig at sabon ang parte ng katawan na nailusong sa baha
  • maglinis ng bahay at paligid
  • alisin ang mga tubig na naipon ng ulan sa bahay o paligid
  • itapon ang basura sa tamang lugar
  • dalhin agad sa ospital ang taong pinaghihinalaang mayroong leptospirosis



Ano ang mangyayari kapag hindi naagapan ang leptospirosis?

  • pagsusuka
  • pagtatae
  • impeksyon at pagkasira ng bato
  • meningitis
  • komplikasyon sa atay
  • kamatayan

Photos from google

Walang komento: