ALTAPRESYON
Ang altapresyon ay ang madalas na pagtaas ng presyon sa dugo (blood pressure).
“Tahimik na pumapatay”
• Ang presyon sa dugo ay naipa-pakita sa dalawang numero.
Systolic pressure - ang presyon kapag tumitibok ang puso.
Diastolic pressure - ang presyon kapag nakapahinga ang puso.
Yugto ng Altapresyon
Prehypertention- 120-139/ 80-89
Unang yugto: 140-159/ 90-99
Ikalawang yugto: >160/ >100
Mga taong mataas ang posibilidad na magka-altapresyon
• Mga lalaking edad 55 pataas, mga ba-baeng edad 65 pataas• May lahi ng altapresyon sa pamilya
• Mga taong labis ang timbang
• Mga taong hindi aktibo
• Mga taong naninigarilyo at madalas na umiinom ng alak
• Mga taong madalas kumakain ng mga matataba at mayaman sa asin na pagkain.
Sintomas ng Altapresyon
- Pananakit ng ulo
- Pagkahilo
- Pagpapawis
- Panlalabo ng mata
Mga Komplikasyon ng ALTAPRESYON
• Komplikasyon sa bato – masyadong mataas ang presyon na dumadaloy sa mga ugat at nakakasira sa mga maliliit na ugat sa bato.
• Komplikasyon sa mata
MGA PARAAN UPANG MAIWASAN AT MAKONTROL ANG ALTAPRESYON
1. Iwasan ang pagkain ng mga maaalat at matatabang pagkain.
Paano mababawasan ang pagkain ng maaalat?
• Ang mga taong may altapresyon ay dapat na kumonsumo lamang ng 1,500 mg hanggang 2,300 mg ng sodium o 2/3 hanggang isang kutsarita lamang ng asin.
Upang mabawasan ang pagkain ng maaalat:
a.)Piliin ang mga sariwang pagkain imbis na mga delata at iba pang processed foods.
b.)Kung gagamit ng mga delatang pagkain hugasan muna ang mga ito bago lutuin upang maalis ang sobrang sodium.
c.)Limitahan ang paggamit ng mga sawsawan tulad ng toyo, patis, bagoong at ibang pang mga kauri nito.
Paano mababawasan ang pagkain ng taba?
Iwasan/Limitahan
- Whole milk
- Mantikilya
- Makremang mga pagkain
- Coconut oil
- Chips
- Baked foods
2. Panatilihing tama ang timbang.
3. Maging aktibo, regular na mag-ehersisyo.
4. Kung may medikasyon, inumin ang mga ito ayon sa panuto ng doktor.
SOURCES:
Retrieved from
- http://www.nhlbi.nih.gov/health/resources/index.htm
- http://www.fda.gov/downloads/forconsumers/byaudience/forwomen/freepublications/ucm135013.pdf
- photos from google
Updated: 4/23/2016
2 komento:
salamat sa blog nato dahil dito nagkaroon ako ng idea at nakagawa ako ng aking requirements
Walang anuman Meill, maraming salamat sa pagbisita! :)
Mag-post ng isang Komento