Martes, Oktubre 14, 2014

Altapresyon (Hypertension)

ALTAPRESYON


Ang altapresyon ay ang madalas na pagtaas ng presyon sa dugo (blood pressure).
Tahimik na pumapatay
• Ang presyon sa dugo ay naipa-pakita sa dalawang numero.

Systolic pressure - ang presyon kapag tumitibok ang puso. 


 Diastolic pressure - ang presyon kapag nakapahinga ang puso. 


Yugto ng Altapresyon


Prehypertention- 120-139/ 80-89
Unang yugto: 140-159/ 90-99
Ikalawang yugto: >160/ >100


Mga taong mataas ang posibilidad na magka-altapresyon

• Mga lalaking edad 55 pataas, mga ba-baeng edad 65 pataas
• May lahi ng altapresyon sa pamilya
• Mga taong labis ang timbang
• Mga taong hindi aktibo
• Mga taong naninigarilyo at madalas na umiinom ng alak
• Mga taong madalas kumakain ng mga matataba at mayaman sa asin na pagkain.













Sintomas ng Altapresyon


  • Pananakit ng ulo

  • Pagkahilo

  • Pagpapawis

  • Panlalabo ng mata











Mga Komplikasyon ng ALTAPRESYON 


• Congestive heart failure at stroke

• Komplikasyon sa bato – masyadong mataas ang presyon na dumadaloy sa mga ugat at nakakasira sa mga maliliit na ugat sa bato.


• Komplikasyon sa mata









MGA PARAAN UPANG MAIWASAN AT MAKONTROL ANG ALTAPRESYON


1. Iwasan ang pagkain ng mga maaalat at matatabang pagkain.


Paano mababawasan ang pagkain ng maaalat?

• Ang mga taong may altapresyon ay dapat na kumonsumo lamang ng 1,500 mg hanggang 2,300 mg ng sodium o 2/3 hanggang isang kutsarita lamang ng asin.


  Upang mabawasan ang pagkain ng maaalat:
a.)Piliin ang mga sariwang pagkain imbis na mga delata at iba pang  processed foods.
  b.)Kung gagamit ng mga delatang pagkain hugasan muna ang mga ito bago lutuin upang maalis ang sobrang sodium.



  c.)Limitahan ang paggamit ng mga sawsawan tulad ng toyo, patis,  bagoong at ibang pang mga kauri nito.



Paano mababawasan ang pagkain ng taba?

Iwasan/Limitahan

  •   Whole milk
  •   Mantikilya
  •   Makremang mga pagkain      


  •   Coconut oil
  •   Chips 
  •   Baked foods

















2. Panatilihing tama ang timbang.
3. Maging aktibo, regular na mag-ehersisyo.
4. Kung may medikasyon, inumin ang mga ito ayon sa panuto ng doktor.







SOURCES:
Retrieved from
Updated: 4/23/2016

Linggo, Setyembre 22, 2013

Pneumonia (Pulmonya)


Depinisyon ng Pulmonya


Ito ay isang impeksyon sa baga na sanhi ng bakterya, mikrobyo at mga parasite. Ito ay implamasyon ng alveoli sa baga.

Mga Senyales at Sintomas


* Ubo na may plema
* Lagnat
 * Mabilis na paghinga at kinakapos ng paghinga

*Panginginig o pagkaginaw
* Pananakit ng dibdib
* Mabilis na pagtibok ng puso
* Panghihina
* Pagsusuka
* Pagtatae

Sinu-sino ang maaaring magkaroon ng Pulmonya?

Walang tiyak na edad ang maaaring magkaroon ng Pulmonya gayunman, may dalawang pangkat ng edad ang may malaking posibilidad na magkaroon ng Pulmonya:
* Sanggol na 2 taong gulang pababa
* 65 taong gulang pataas

Diagnosis

     Ang doktor ay kukuha ng medical history at magsasagawa ng pisikal na eksaminasyon. Habang sinusuri, ang doktor ay makikinig sa dibdib gamit ang istetoskop. Ang course breathing (magaslaw na paghinga), crackling sounds (pagkaluskos), wheezing at paghina ng tunog ay maaring magpahiwatig ng pulmonya.
     
     Upang makumpirma ang sakit, ang chest x-ray ay karaniwang kinukuha. Ang mga x-ray ay magpapakita ng lugar sa baga na apektado ng pulmonya. Pagsusuri ng dugo ay maaring gawin at sample ng plema ay maaring ipadala sa laboratoryo upang suriin.


Paggamot

Kung hindi malubha at hindi kailangang pumunta sa ospital:
* Antibiotics (tablets)
* Gamot pangtanggal ng sakit (pain relieving)
* Paracetamol para sa lagnat
* Pahinga
Kung malubha at kailangang magpunta sa ospital:
* Antibiotics (swero)
* Oxygen therapy
* swero
* Physiotherapy

Komplikasyon ng Pulmonya


Bakterya sa dugo (bacteremia). Ang bakterya na pumasok sa ugat mula sa iyong baga ay maaring maikalat ang impeksiyon sa iba pang bahagi ng katawan, potensyal na nagiging dahilan ng pagkasira ng iba pang organ.
Maga sa baga. Ang pamamaga ay  nangyayari kung ang nana ay nabuo sa lukab (cavity) sa baga. Ang pamamaga ay kadalasang ginagamot ng antibiotics. Minsan, isinasagawa ang operasyon o pagalis ng tubig sa baga gamit ang mahabang karayom o tubo na inilalagay sa maga upang maalis ang nana.
Akumulasyon ng tubig sa paligid ng baga (pleural effusion). Ang pulmonya ay maaaring maging sanhi ng pagdami ng tubig sa baga at lukab sa dibdib (chest cavity-pleura). Kung ang tubig ay naging impeksiyon, kailangan itong matangal gamit ang chest tube o operasyon.
Hirap sa paghinga. Kung ang iyong pulmonya ay malala at matagal na, maaari kang magkaroon ng problema sa paghinga. Maaaring kailangan mo nang pumunta sa ospital at gumamit ng mechanical ventilator habang ang iyong baga ay pinapagaling.


Paano maiiwasan ang pulmonya?

* Huwag manigarilyo.
* Iwasang makisalamuha sa mga taong may impeksiyon na may posibilidad na maging pneumonia.
* Iwasan ang mga taong may sipon, trangkaso at iba pang sakit sa baga.
* Kung hindi pa nagkaroon ng tigdas o bulutong, kung hindi napabakunahan para sa mga sakit na ito, umiwas sa mga taong may ganitong karamdaman.
* Laging maghugas ng kamay.
* Magpabakuna.

Sanhi ng Pneumonia

Community-acquired pneumonia - ito ang pinakakaraniwang uri ng pneumonia. Ito ay makukuha sa labas ng ospital at iba pang health care facility. Sanhi ng:
*Bakterya, tulad ng Streptococcus pneumoniae. Nakukuha kapag may sipon at trangkaso. Naaapektuhan nito ang isang lugar ng baga at ang tawag sa kondisyon na ito ay lobar pneumonia.
*Bacteria-like organisms, tulad ng Mycoplasma pneumoniae. Ito ay nagdudulot ng:
*Mikrobyo, sanhi ng sipon at trangkaso. Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng pneumonia sa mga batang may gulang na 2 pababa. Ang viral pneumonia ay hindi malalang klase ng pneumonia pero kapag ito ay sanhi ng isang influenza virus tulad ng sudden acute respiratory syndrome (SARS), ito ay magiging isang malubhang karamdaman.
* Fungi, na karaniwang makikita sa lupa. Itong uri ng pneumonia na ito ay karaniwan sa mga taong mahina ang immune system.
Hospital-acquired pneumonia - ito ay isang bacterial infection na nakukuha sa loob ng 48 oras o higit pa matapos maospital sa ibang kadahilanan. ito ay maaaring maging seryoso dahil ang bakterya na nagdudulot nito ay maaaring lumalaban sa antibiotics.
Health care-acquired pneumonia - Ito ay isa bacterial infection. Ang mga taong maaaring makakuha nito ay yung mga ginagamot sa outpatient clinics at yung mga nangangailangan ng matagal na panggagamot tulad ng kidney dialysis. Tulad ng hospital-acquired pneumonia, ito ay maaaring sanhi ng bakterya na lumalaban sa antibiotics.
Aspiration pneumonia - Ito ay nakukuha sa paglanghap ng pagkain, inumin, suka o kaya'y laway sa baga. 

Photos from Google

Biyernes, Agosto 23, 2013

NATURAL THERAPY FOR HEADACHE

NATURAL THERAPY FOR HEADACHE!


Natural Therapy for headaches! 
In about 5 minutes, your headache will go.

The nose has a left and right side.
We use both to inhale and exhale.
Actually they are different.
You will be able to feel the difference.

The right side represents the sun.
The left side represents the moon.

During a headache, try to close your right nose 
and use your left nose to breathe.
In about 5 minutes, your headache will go.

If you feel tired, just reverse, close your left nose
and breathe through your right nose.
After a while, you will feel your mind is refreshed.

Right side belongs to "hot", so it gets heated up easily.
Left side belongs to "cold".

Most females breathe with their left noses,
so they get "cooled off" faster.
Most of the males breathe with their right noses,
they get worked up.

Do you notice, the moment you awake, which side breathes better?
Left or right?
If left is better, you will feel tired.
So, close your left nose and use your right nose for breathing.
You will feel refreshed quickly.

Do you suffer from continual headaches?
Try out this breathing therapy.

Close your right nose and breathe through your left nose.
Your headache will be gone.

Why not give it a try, a natural therapy without medication.

~Useful info


Linggo, Marso 10, 2013

Leptospirosis (Tagalog)



LEPTOSPIROSIS

Deskripsyon ng sakit

  • Isang biglaan at malubhang impeksyon na karaniwan ay naapektuhan ang atay sanhi ng isang parasito-ang LEPTOSPIRA.
  • Ang tao ay nagkakasakit kapag ito ay nakakain o nakainom ng pagkain na mayroong ihi ng hayop ng may leptospira.
  • Pumapasok ito sa balat ng tao lalo na kapag ang isang tao ay may sugat.
  • Ayon sa DOH, 300 katao ang namamatay dito kada taon.
  • Sa Pilipinas, ang karaniwang hayop na nagdadala ng parasitong ito ay ang daga.
  •  Komon sa panahon ng tag-ulan kung saan pwedeng kontaminado ng parasitong leptospira ang tubig baha.
                                     


                                                             LEPTOSPIRA



Ang Leptospirosis ay kilala rin sa tawag na:


  • Weil's syndrome
  • canicola fever
  • canefield fever
  • nanukayami fever
  • 7-day fever
  • Rat Catcher's Yellow
  • Fort Bragg fever
  • black jaundice
  • Pretibial fever


Mga Palatandaan o Sintomas

                                                                                     
  • Biglaang pagtaas ng lagnat (39-40 C) na may kasamang panginginig.
  • Pananakit lalo ng kalamnan lalo na sa binti.
  • Matinding sakit ng ulo
  • Pamumula ng mga mata




  • paglaki ng atay at pananakit ng tiyan
  • pagsusuka
  • paninilaw (jaundice) sa ikalimang araw
  • paglaki ng pali (spleen)
  • Maliit na mapulang paltos sa balat (blistering)
  • paninigas ng leeg
  • Mapula at kaunti ang ihi


Anu-ano ang mga yugto ng leptospirosis?



Unang yugto:
  • pagkakaroon ng lagnat
  • pananakit ng ulo at kalamnan
  • pagsusuka
  • pagtatae



Ikalawang yugto:
  • meningitis (pamamaga ng ugat sa paligit ng utak at spinal cord)
  • komplikasyon sa bato (kidney) at atay



Sinu-sino ang maaring magkaroon ng leptospirosis?

  • Kahit sino, bata man o matanda, lalaki man o babae.


Ilang araw ang maaaring itagal ng leptospirosis?

  • Tatagal ito ng ilang araw hanggang tatlong linggo o mas higit pa.
  • Maaaring magtagal ng ilang buwan kung hindi agad ipapagamot ang taong maysakit.



Dyagnosis/Pagkilala sa Leptospirosis

Ang dugo ay sinusuri para pangontra sa bakterya.
Iba pang pagsusuri ang maaaring gawin:
  • Kumpletong bilang ng dugo (CBC)
  • Creatine kinase
  • pasusuri sa enzymes ng atay
  • pasusuri sa ihi (urinalysis)



Paano ginagamot ang leptospirosis?


1. Sa pag-inom ng antibiotics tulad ng:

  • doxycyline
  • streptomycin
  • tetracyline
  • erythromycin
  • penicilin
     


 2. Iniiniksyong (injectable) antibiotics para sa mas malala ang kalagayan

  • Mas mabuting kumonsulta sa doktor o health worker bago magsagawa ng pansariling panggagamot.

Ano ang komplikasyon ng leptospirosis?

Kung may paninilaw, 15-100 na kaso ang namamatay dahil sa pagdudugo, o komplikasyon na kasama ang puso, utak at pantog.


Paano maiiwasan at masusugpo ang leptospirosis?

  • huwag lumangoy o lumusong sa baha at maruming tubig 
  • gumamit ng bota at guwantes kung hindi maiiwasan ang paglusong sa baha o maruming tubig
  • sugpuin ang mga daga sa bahay
  • hugasan ng tubig at sabon ang parte ng katawan na nailusong sa baha
  • maglinis ng bahay at paligid
  • alisin ang mga tubig na naipon ng ulan sa bahay o paligid
  • itapon ang basura sa tamang lugar
  • dalhin agad sa ospital ang taong pinaghihinalaang mayroong leptospirosis



Ano ang mangyayari kapag hindi naagapan ang leptospirosis?

  • pagsusuka
  • pagtatae
  • impeksyon at pagkasira ng bato
  • meningitis
  • komplikasyon sa atay
  • kamatayan

Photos from google

Sabado, Marso 2, 2013

SANHI NG LEPTOSPIROSIS


LEPTOSPIROSIS 


Leptospirosis (kilala rin sa tawag na Weil's syndrome, canicola fever, canefield fever, nanukayami fever, 7-day fever, Rat Catcher's Yellows, Fort Bragg fever, black jaundice, at Pretibial fever) ay sanhi ng impeksiyon sa mga bakterya ng genus Leptospira at nakakaapekto sa mga tao pati na rin ang iba pang mga hayop. Ang leptospirosis ay kabilang sa mga pinaka-karaniwang sakit sa mundo na nailipat sa mga tao galing sa mga hayop. Ang impeksiyon ay karaniwang naililipat sa mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng tubig na kontaminado ng ihi ng hayop kapag direktang nagamit sa mata o sa sariwang sugat.

CAUSES ( Sanhi ng pagkakaroon ng leptospirosis)        

         
Ang Leptospirosis ay sahi ng isang spirochaete bacterium na tinatawag na Leptospira. Ang Leptospirosis ay maaari ring mailipat sa pamamagitan ng semilya (semen) ng hayop na may ganitong impeksiyon. Ang nagiging-infected sa pamamagitan ng direktang contact sa may tubig, pagkain, o lupa na naglalaman ng ihi mula sa mga nahawaang hayop. Ito ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng paglunok ng kontaminadong pagkain o tubig. Ang sakit na ito ay hindi kilala sa paglilipat mula tao papunta sa isa pang tao, bihira ang ganitong kaso.                                                                      



RISK FACTORS

 


Retrieved from google