Depinisyon ng Pulmonya
Ito
ay isang impeksyon sa baga na sanhi ng bakterya, mikrobyo at mga
parasite. Ito ay implamasyon ng alveoli sa baga.
Mga Senyales at Sintomas
*
Ubo na may plema
*
Lagnat
*
Mabilis na paghinga at kinakapos ng paghinga
*Panginginig o pagkaginaw
*
Pananakit ng dibdib
*
Mabilis na pagtibok ng puso
*
Panghihina
*
Pagsusuka
*
Pagtatae
Sinu-sino ang maaaring magkaroon ng Pulmonya?
Walang
tiyak na edad ang maaaring magkaroon ng Pulmonya gayunman, may
dalawang pangkat ng edad ang may malaking posibilidad na magkaroon ng
Pulmonya:
*
Sanggol na 2 taong gulang pababa
*
65 taong gulang pataas
Diagnosis
Ang doktor ay kukuha ng medical history
at magsasagawa ng pisikal na eksaminasyon. Habang sinusuri, ang
doktor ay makikinig sa dibdib gamit ang istetoskop. Ang course
breathing (magaslaw na paghinga), crackling sounds (pagkaluskos),
wheezing at paghina ng tunog ay maaring magpahiwatig ng pulmonya.
Upang makumpirma ang sakit, ang
chest x-ray ay karaniwang kinukuha. Ang mga x-ray ay magpapakita ng
lugar sa baga na apektado ng pulmonya. Pagsusuri ng dugo ay maaring
gawin at sample ng plema ay maaring ipadala sa laboratoryo upang
suriin.
Paggamot
Kung
hindi malubha at hindi kailangang pumunta sa ospital:
*
Antibiotics (tablets)
*
Gamot pangtanggal ng sakit (pain relieving)
*
Paracetamol para sa lagnat
*
Pahinga
Kung
malubha at kailangang magpunta sa ospital:
*
Antibiotics (swero)
*
Oxygen therapy
*
swero
*
Physiotherapy
Komplikasyon ng Pulmonya
Bakterya sa dugo (bacteremia). Ang
bakterya na pumasok sa ugat mula sa iyong baga ay maaring maikalat ang
impeksiyon sa iba pang bahagi ng katawan, potensyal na nagiging
dahilan ng pagkasira ng iba pang organ.
Maga sa baga. Ang pamamaga ay nangyayari kung ang nana ay nabuo sa lukab (cavity) sa baga. Ang pamamaga ay kadalasang ginagamot ng antibiotics. Minsan, isinasagawa ang operasyon o pagalis ng tubig sa baga gamit ang mahabang karayom o tubo na inilalagay sa maga upang maalis ang nana.
Akumulasyon ng tubig sa paligid ng baga (pleural effusion). Ang pulmonya ay maaaring maging sanhi ng pagdami ng tubig sa baga at lukab sa dibdib (chest cavity-pleura). Kung ang tubig ay naging impeksiyon, kailangan itong matangal gamit ang chest tube o operasyon.
Hirap sa paghinga. Kung ang iyong pulmonya ay malala at matagal na, maaari kang magkaroon ng problema sa paghinga. Maaaring kailangan mo nang pumunta sa ospital at gumamit ng mechanical ventilator habang ang iyong baga ay pinapagaling.
Paano maiiwasan ang pulmonya?
*
Huwag manigarilyo.
*
Iwasang makisalamuha sa mga taong may impeksiyon na may posibilidad na
maging pneumonia.
*
Iwasan ang mga taong may sipon, trangkaso at iba pang sakit sa baga.
*
Kung hindi pa nagkaroon ng tigdas o bulutong, kung hindi
napabakunahan para sa mga sakit na ito, umiwas sa mga taong may
ganitong karamdaman.
*
Laging maghugas ng kamay.
*
Magpabakuna.
Sanhi ng Pneumonia
Community-acquired pneumonia - ito ang pinakakaraniwang uri ng
pneumonia. Ito ay makukuha sa labas ng ospital at iba pang health
care facility. Sanhi ng:
*Bakterya, tulad ng Streptococcus pneumoniae. Nakukuha kapag may sipon
at trangkaso. Naaapektuhan nito ang isang lugar ng baga at ang tawag
sa kondisyon na ito ay lobar pneumonia.
*Bacteria-like organisms, tulad ng Mycoplasma pneumoniae. Ito ay nagdudulot ng:
*Mikrobyo, sanhi ng sipon at trangkaso. Ito ang pinakakaraniwang sanhi
ng pneumonia sa mga batang may gulang na 2 pababa. Ang viral
pneumonia ay hindi malalang klase ng pneumonia pero kapag ito ay
sanhi ng isang influenza virus tulad ng sudden acute respiratory
syndrome (SARS), ito ay magiging isang malubhang karamdaman.
*
Fungi, na karaniwang makikita sa lupa. Itong uri ng pneumonia na ito
ay karaniwan sa mga taong mahina ang immune system.
Hospital-acquired pneumonia - ito ay isang bacterial infection na
nakukuha sa loob ng 48 oras o higit pa matapos maospital sa ibang
kadahilanan. ito ay maaaring maging seryoso dahil ang bakterya na
nagdudulot nito ay maaaring lumalaban sa antibiotics.
Health care-acquired pneumonia - Ito ay isa bacterial infection. Ang
mga taong maaaring makakuha nito ay yung mga ginagamot sa outpatient
clinics at yung mga nangangailangan ng matagal na panggagamot tulad
ng kidney dialysis. Tulad ng hospital-acquired pneumonia, ito ay
maaaring sanhi ng bakterya na lumalaban sa antibiotics.
Aspiration pneumonia - Ito ay nakukuha sa paglanghap ng pagkain,
inumin, suka o kaya'y laway sa baga.
Photos from Google
Photos from Google
10 komento:
Itatanung kopo dto kung mag kanu ang mga antibiotic na kailangan para po sa treatment
Itatanong ko po pag na drain pasyente.tubig sa baga o ipinasisip.may posibling babalik pa ito.marami nagsasabi na dilikado daw po pag nabutasan na ang pasyente o pinasisip tubig sa baga
nasa magkano ang range ng pag papagamot sa tubig sa baga
Malaki po ba chance ng pasyente na may edad 66 taong gulang na gumaling? Kasi po nagkaroon daw po ng butas after tanggalan ng tubig sa baga.
Hello po.itatanong ko lang po.ang asawa ko po edad na 34.dumaan na po siya sa thoranthesis.o sinipsip po sa likod para mailabas po ang tubig galing sa baga...may posibilidad po ba na ito ay babalik? Ano po ang dapat niyang? Ang tawag po sa sakit nya ang final diagnosis po ay community acquired moderate risk
Ngayon po after 2 months po..parang ramdam nya na medyo masakit po ung dibdin nya...at parang may agos ng tubig sya na naririnig sa dibdib nya po...tapos na po kc ang medication nya...vitamin lang po ang iniinom nya...ano dapat kung gawin?
Tanong po ako tv at may tubig din sa Baga nag on na po ako ng gamit para sa tv for 6 month mawawala na Yung tubig sa Baga.
D po b dilikado kung my nana s baga kung kakayudin po,kung ang pasyente po ay my diabetis
Tanong maaari bang bumalik ang tubig sa baga
Natangalan na ko ng tubig sa baga dati
Delikado po ba pag may diabetis tapos nagkaroon ng tubig sa baga at kung pwede magpabakuna ng flu vac.at bakuna sa covid
Mag-post ng isang Komento